News Release
Department of Labor and Employment
December 28, 2021

Bello makes Christmas merrier for Batangas fishermen, workers

Labor Secretary Silvestre Bello III made the Christmas celebration merrier for fishermen and other informal workers in Batangas where he distributed various livelihood assistance of the government.

In relentless efforts to help workers affected by COVID-19, Bello on Monday awarded motor boat engines and livelihood packages in the towns of Taal and Mataas na Kahoy.

Bello said the Department of Labor and Employment (DOLE) is determined to provide workers a meaningful Christmas amid the pandemic.

“It is my wish that our workers enjoy a merry, bountiful and safe Christmas celebration,” he said.

In Barangay Bugtong, Taal, 25 motorboat engines were awarded to benefit 65 pandemic-hit fishermen.

The P750,000 worth of assistance was lauded by barangay chairman Romeo Tamayo who thanked Bello for aiding his constituents.

“My people got no support from the national government when our barangay was hit by the Taal volcano eruption and the pandemic. Only now did we get help and it’s from DOLE led by Secretary Bello,” Tamayo said.

“Thanks a lot Secretary Bello for remembering us,” he added.

Meanwhile, a total of P1.2 million in livelihood packages were given to 40 beneficiaries in Mataas na Kahoy.

The recipients received ‘Nego-Karts’ which are small businesses worth P30,000 each to help them earn during the crisis. ###

=============================================

Masayang pasko, hatid ni Bello sa mga mangingisda, manggagawa sa Batangas

Mas napasaya ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagdiriwang ng kapaskuhan ng mga mangingisda at iba pang manggagawa sa impormal na sektor sa Batangas kung saan siya namigay ng iba’t- ibang tulong pangkabuhayan mula sa gobyerno.

Kasabay ng tuloy tuloy na hakbangin upang mabigyang tulong ang mga manggagawang apektado ng COVID-19, namahagi si Bello ng mga motorboat engine at iba pang uri ng tulong pangkabuhayan sa bayan ng Taal at Mataas na Kahoy.

Ayon kay Bello, pursigido ang Department of Labor and Employment (DOLE) na mabigyan ng makabuluhan at masayang kapaskuhan ang mga manggagawa sa gitna ng umiiral na pandemya.

“Ang aking hiling ay maging masaya, masagana, at ligtas ang pagdiriwang ng kapaskuhan ng ating mga manggagawa,” wika ni Bello.

Sa Barangay Bugtong, Taal, 25 na motorboat engine ang handog ng DOLE upang mabigyang tulong ang 65 na mangingisda na naapektuhan ng pandemya.

Pinuri at pinasalamatan ni barangay chairman Romeo Tamayo si Bello dahil sa P750,000 na kabuuang halaga ng tulong na naibigay sa kanyang mga nasasakupan.

“Hindi agad nakakuha ng tulong mula sa national government ang aking mga kabarangay noong pumutok ang bulkang Taal at nang dumating ang pandemya. Ngayon lamang kami nakakuha ng tulong, at mula ito sa DOLE na pinamumunuan ni Secretary Bello,” wika ni Tamayo.

“Maraming salamat po Secretary Bello sa pag-alala sa amin,” dagdag pa niya.

Samantala, mayroong kabuuang P1.2 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan ang naipamahagi sa 40 benepisyaryo sa Mataas na Kahoy.

Ang mga benepisyaryo ay nakatanggap ng ‘Nego-Karts’ o iba’t-ibang maliit na negosyo na nagkakahalaga ng P30,000 bawat isa upang matulungan silang kumita sa gitna ng nararanasang krisis. ###

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry