News Release
Department of Labor and Employment
November 18, 2021

Bello leads vaccination of over 800 workers in Laguna ecozone

Labor Secretary Silvestre Bello III on Thursday moved ahead in pushing employment recovery by providing protection to the country’s key economic drivers from COVID-19.

Bello led the vaccination of construction and factory workers in the economic zone of Sta. Rosa, Laguna as part of the government’s effort to help attain the One Million Jobs program of the private sector.

A collaboration among the Employers Confederation of the Philippines (ECOP), the Department of Labor and Employment (DOLE) and other stakeholders from both the government and private sectors, the project aims to inoculate one million workers from the construction and manufacturing industries.

Bello said the two industries were chosen for the program being top contributors to economic growth.

“By helping them get the vaccines, our thrust for economic recovery could remain on track,” Bello said.

The labor chief expressed optimism that the country’s economic rehabilitation has gone stronger following the easing of restrictions and reopening of the labor market.

“With the lifting of harsh quarantine measures and the strategic implementation of the vaccination program, I’m confident that our country is healing fast,” Bello said.

A total of 823 construction and factory workers from the Makati Development Corporation (MDC), other companies and local government units received AstraZeneca vaccines during the program held in the Nuvali site of the MDC ConQrete Inc.

Meanwhile, Bello called on all workers to get vaccinated as it is safe and helpful for the economy.

“Let’s all support the inoculation program of the government because it’s the surest way to fight the pandemic,” Bello added. ###

========================================================

Bello pinangunahan pagbabakuna sa 800 manggagawa sa Laguna ecozone

Ipinagpatuloy ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang pagsusulong na muling makabawi ang empleo sa pamamagitan ng pagbibigay ng proteksiyon laban sa Covid-19, sa mga pangunahing nagpapatakbo ng ekonomiya ng bansa.

Bilang bahagi ng pagsusumikap ng pamahalaan na makamit ang programang One Million Jobs para sa pribadong sektor, pinangunahan ni Bello ang pagpapabakuna ng mga manggagawa sa konstruksiyon at pabrika ng economic zone sa Sta. Rosa, Laguna.

Sa pagtutulungan ng Employers Confederation of the Philippines (ECOP), Department of Labor and Employment (DOLE) at ng iba pang mga stakeholder mula sa pamahalaan at pribadong sektor, nilalayon ng proyekto na mabakunahan ang isang milyong manggagawa mula sa industriya ng konstruksiyon at imprastraktura.

Sinabi ni Bello na napili ang dalawang industriya para sa programa sa dahilang sila ang may pinakamalaking ambag sa paglago ng ekonomiya.

“Sa pagtulong na sila’y mabakunahan, ang ating layunin na makabawi ang ekonomiya ay magtutuloy-tuloy na,” wika ni Bello.

Naniniwala ang kalihim na mas lumakas ang rehabilitasyon ng ekonomiya ng bansa kasunod ng pagluluwag sa paghihigpit at muling pagbubukas sa merkado ng paggawa.

“Sa pagluluwag ng mga patakaran ukol sa quarantine at estratehikong implementasyon ng programa sa pagbabakuna, tiwala ako na mabilis na makababangon ang ating bansa,” pahayag ni Bello.

May 823 manggagawa mula sa konstruksiyon at pabrika mula sa Makati Development Corporation (MDC), iba pang kompanya at lokal na pamahalaan ang nabakunahan ng AstraZeneca sa ginanap na programa sa Nuvali ng MDC ConQrete Inc.

Samantala, nanawagan si Bello sa lahat ng manggagawa na magpabakuna dahil ito ay ligtas at makatutulong sa ekonomiya.

“Suportahan nating lahat ang programang pagbabakuna ng pamahalaan dahil ito ang pinakamabisang paraan upang labanan ang pandemya,” dagdag ni Bello. ###

 

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1