Kasabay ng pagsisimula ng panahon ng pagtatapos, inanyayahan ni Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III ang mga naghahanap ng trabaho, lalo na ang mga bagong gradweyt na magtungo sa gaganaping job fair sa buong bansa na ilulunsad ng Department of Labor and Employment ngayong buwan ng Abril.

Pinayuhan ni Secretary Bello ang mga bagong gradweyt na mas magandang dumalo sa mga gaganaping job fair sa dahilang pinagsama-sama ang mga employer sa iisang lugar.

 

Para mas malaki ang tsansa na agad silang matanggap (hired-on-the-spot), kanyang pinaalalahanan ang mga aplikante na dalhin ang mga sumusunod na dokumento:  resume o curriculum vitae (magdala ng sobrang kopya para sa mas maraming aplikasyon sa trabaho); 2 x 2 ID pictures; certificate of employment para sa dating nagtatrabaho; diploma at/o transcript of records; at authenticated birth certificate.

 

Nagsasagawa ang DOLE, sa pangangasiwa ng Bureau of Local Employment (BLE), ng malawakang job fairs sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang lokal na pamahalaan, Public Employment Service Offices (PESOs), at higher education institutions (HEIs).

 

Batay sa nakapaskil sa PhilJobNet, ang internet-based job and applicant matching system ng DOLE, nakatakdang ganapin ang mga job fair sa buong bansa sa mga sumusunod na petsa:

Abril 18–LGU-Castilla, Sorsogon (Bicol Region);
Abril 19–Leonardo C. Andres Sports Complex, Poblacion, Pandi, Bulacan (Central Luzon); Sulop Covered Court, Sulop, Davao del Sur (Davao Region);
Abril 20–Brgy. Poblacion, Lambayong, Sultan Kudarat (SOCCSKSARGEN); Don Caesareo San Diego Gym, Municipality of Plaridel, Bulacan (Central Luzon); Multi-Purpose Building, Pigcawayan, North Cotabato (SOCCSKSARGEN);
Abril 20-21– Saint Louis University (SLU) Main Campus, and Maryheights Campus, Bakakeng, Baguio City (Cordillera Administrative Region);
Abril 21–Municipal Compound, Poblacion, Santa Maria, Bulacan (Central Luzon);
Abril 22–San Roque Elementary School Covered Court, Lacson St., Bo. Obrero, Poblacion District, Davao City (Davao Region);
Abril 24–Public Plaza Auditorium, San Manuel, Tarlac (Central Luzon);
Abril 25–Poblacion Ilaya Covered Gym, Passi City, Iloilo (Western Visayas); Municipality of Laur, Nueva Ecija (Central Luzon);
Abril 28–University of Baguio Gymnasium (Cordillera Administrative Region); Municipal Hall of Llanera, Nueva Ecija (Central Luzon);
Abril 29–Insular Square, Mandaue City, Cebu (Central Visayas)

END/aldm/GMEArce

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry