Hinikayat ni Labor Secretary Silvestre H. Bello III ang mga recruitment agency na tumulong upang maiwasan ang pagbitay sa mga overseas Filipino workers (OFWs), at kung hindi ito mangyayari, ipapatupad ng departamento ang plano nitong ipatigil na muna ang pagpapadala ng mga household service workers sa Middle East.

“Sinabi ko sa asosasyon ng mga recruitment agency na gawin nila ang lahat ng kanilang makakaya upang maiwasan ang mga kaso ng pagbitay. Sinabi ko na makipag-usap sila sa kanilang mga counterparts tungkol sa sitwasyon ng ating mga OFWs. May kakayahan ang kanilang mga counterparts na makipag-usap sa mga opisyal ng Middle East upang maisalba ang buhay ng ating mga OFWs na nakulong,” wika ni Bello.

Si Bello ay nakipagkita na sa mga opisyal at miyembro ng Philippine Association of Legitimate Contractors (PALSCON) upang pag-usapan ang mga isyung may kinalaman sa mga household service worker sa Middle East.

Binanggit rin niya ang kaso ni Jennifer Dalquez, ang OFW na pinatawan ng bitay sa United Arab Emirates. Si Dalquez ay nasentensiyahan ng kamatayan ng Al Ain trial court sa Dubai matapos maakusahang pumatay sa kanyang amo noong Disyembre 2015.

Sinabi ni Bello na ipinahayag niya sa PALSCON na kung mayroon pang pagbitay na magaganap, isusulong ng DOLE ang plano nito na itigil na muna ang pagpapadala ng mga household service workers sa mga bansa na mayroong binitay na OFWs.

“Dapat na tulungan nila ang OFWs natin. Nagpapakahirap ang ating mga OFWs sa ibang bansa kaya nararapat lamang na protektahan sila,” pahayag ni Bello at sinabing siya ay nagpaplano na pumunta ng UAE upang seguruhin ang tulong na kinakailangan ni Dalquez.

Samantala, sinabi rin ni Bello na patuloy ang kanyang kagustuhan na maisalba ang kaso ng pagbitay sa OFW na si Elpidio Lano sa Kuwait. Si Lano ay kasalukuyang nasa death row matapos siyang mapatunayang pumatay ng kapwang Pinoy na manggagawa.

“We do not want another tragedy to happen. I will pursue this for the next three or four days until I get the family of Macaranas to forgive Lano,” said Bello.

“Hindi natin gusto na mayroon pang ibang masamang mangyari. Ipagpapatuloy ko ang pakikipag-usap sa pamilya ni Macaranas para patawarin nila si Lano,” sinabi ni Bello.

“Noong una ayaw ng asawa at mga anak ni Nino Macaranas, pero nang makausap at napalinawanagan ko, naging maayos naman at alam ko na may pag-asa pa,” pahayag ni Bello.

###celestemaring/ADV

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry