News Release
Department of Labor and Employment
November 14, 2021

Bello: Cavite workers major PH economic contributor

Labor Secretary Silvestre Bello III lauded workers in Cavite for being a major economic contributor in the country as the Department of Labor and Department (DOLE) continued the rollout of the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD) program in General Trias City.

Cavite is home to many factories and construction sites that provide employment to thousands of manufacturing and construction workers, Bello said.

“Like many workers with essential contribution for economic recovery, our workers in Cavite including General Trias deserve attention from the government amid the pandemic” Bello said.

Bello explained that healthy and productive manufacturing and construction sectors are key to speedy economic rehabilitation.

“So there’s no need for other workers from other sectors to get offended if factory and construction workers get a little favor because they can help the government achieve economic recovery which will benefit the entire nation,” he added.

A total of P1.6 million in TUPAD payouts were awarded to 400 beneficiaries from General Trias.

Joining Bello during the distribution of assistance for crisis-hit workers are local executives led by Congressman Luis ‘Jonjon’ Ferrer, Mayor Antonio ‘Ony’ Ferrer and members of both the provincial and city councils.

The lawmaker thanked Bello for bringing TUPAD and other DOLE aid programs in General Trias and other parts of Cavite.

Earlier, Bello was in Imus to help workers displaced by the pandemic. Prior to that, the Labor Secretary was in Carmona to support needy workers.

“Secretary Bello has been very helpful not only to our workers here in General Trias but to all workers in Cavite. This only shows that he cares for the people of Cavite,” the lawmaker said.

Bello has been travelling to many parts of the country to offer the helping hands of the government to workers in distress.

“I am thankful to all our workers in the country for trusting in the government. I will not stop giving government assistance as long as there are resources we can extend to our workers,” he said. ###

========================================

Bello: Manggagawa ng Cavite major PH economic contributor

Pinasalamatan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga manggagawa ng Cavite sa malaking kontribusyon nito sa ekonomiya ng bansa habang patuloy ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa paghahatid ng programang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/ Displaced Workers (TUPAD) sa General Trias City.

Ang Cavite ay tahanan ng maraming pabrika at construction site na nagbibigay ng trabaho sa libo-libong manggagawa, wika ni Bello.

“Tulad ng maraming manggagawa na may mahalagang kontribusyon sa pagbangon ng ekonomiya, ang ating mga manggagawa sa Cavite, kabilang ang General Trias, ay nararapat na bigyang atensiyon ng pamahalaan sa gitna ng pandemya,” pahayag ni Bello.

Ipinaliwanag ni Bello na ang malusog at produktibong sektor ng pabrika at konstruksiyon ay susi sa mabilis na rehabilitasyon ng ekonomiya.

“Kaya hindi kinakailangang sumama ang loob ng ibang manggagawa mula sa ibang sektor kung ang mga manggagawa sa pabrika at konstruksiyon ay makakukuha ng kaunting pabor dahil makakatulong sila sa pamahalaan na makamit ang pagbuti ng ekonomiya na pakikinabangan ng buong bansa,” dagdag niya.

May P1.6 milyon sa TUPAD payout ang ipinamahagi sa 400 benepisaryo mula sa General Trias.

Kasama ni Bello sa pamamahagi ng tulong sa mga manggagawang naapektuhan ng krisis ang mga lokal na pinuno sa pangunguna nina Congressman Luis ‘Jonjon’ Ferrer, Mayor Antonio ‘Ony’ Ferrer at mga miyembro ng parehong provincial at city councils.

Pinasalamatan ng mambabatas si Bello sa paghahatid ng TUPAD at iba pang programa ng DOLE sa General Trias at iba pang bahagi ng Cavite.

Nauna rito, nagpunta si Bello sa Imus upang tulungan ang mga manggagawang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya. Bago rito, nasa Carmona ang Kalihim upang suportahan ang mga nangangailangang manggagawa.

“Napakalaking tulong ni Secretary Bello hindi lamang sa ating mga manggagawa dito sa General Trias kundi sa lahat ng manggagawa sa Cavite. Ipinapakita nito na mayroon siyang malasakit sa mga taga-Cavite,” pahayag ng mambabatas.

Nagpupunta si Bello sa iba’t ibang bahagi ng bansa para iabot ang tulong mula sa pamahalaan para sa mga manggagawang nangangailangan.

“Nagpapasalamat ako sa lahat ng manggagawa sa pagtitiwala sa ating pamahalaan. Hindi ako titigil sa paghahatid ng tulong mula sa ating pamahalaan hangga’t may mga tulong pa tayong maibibigay sa ating mga manggagawa,” aniya. ###

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry