News Release
Department of Labor and Employment
September 26, 2021

Bello assures jobs abroad for displaced OFWs

The labor department is working towards enhanced deployment and protection of overseas Filipino workers (OFWs) as it is set to forge agreements with more countries of destination.

Labor Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III on Friday said a huge number of jobs is on the table and the Department of Labor and Employment (DOLE) will prioritize OFWs who lost their jobs since the start of the pandemic.

“In the meantime, we are creating more employment destination for the overseas Filipino workers. That’s the reason why we are entering into agreement with Canada, Russia, China and even Bangkok so that we will have bilateral agreements with them to provide work destination for OFWs,” Bello said.

Bilateral Labor Agreements (BLAs) are formal agreements entered into by the Philippines with countries of destination to govern deployment, labor cooperation on the protection and promotion of rights and welfare of OFWs, and human resources development.

As OFW deployment is still limited due to travel restrictions in some countries, Bello, in the meantime, advised Filipino workers to continue honing their skills while in the Philippines.

The labor chief also said a total of 702,000 OFWs were repatriated and have been reunited with their families after undergoing the required quarantine protocols.

The Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), an attached agency of DOLE, leads in providing various assistance to OFWs.

“Meron ding program na tinatawag na Abot Kamay ang Pagtulong o AKAP. Kung hindi pa nakakauwi at nandun sila, [sa ibang bansa] walang trabaho dahil sa pandemya, binigyan namin sila ng tig-200 US dollars pero kung nakauwi na sila, binigyan namin sila ng equivalent na P10,000,” Bello explained.

Children of OFWs are also receiving aid through scholarship grants under OFW Dependent Scholarship Program (ODSP), an educational assistance of P20,000 per school year to qualified dependent of an active member OFW whose salary is not more than 600 dollars.

The Secretary also mentioned that not only the active members are receiving aid from DOLE but also those who are not members.

“Generally dapat sa mga active members pero sa panahon ng pandemya kailangan intindihin mo ang kanilang kalagayan. Kahit paano yung ayuda na binibigay sa regular OFWs binibigyan din natin sila,” Bello said.

Other DOLE programs for OFWs are OWWA’s Balik Pinas Balik Hanapbuhay (BPBH), Education and Livelihood Assistance Program (ELAP) and Tulong Pangkabuhayan Para sa Pag-unlad ng Samahang OFWs (Tulong Puso). ###

============================================

Bello tiniyak trabaho sa ibang bansa para sa mga OFW na nawalan ng trabaho 

Gagawin ng Labor Department ang pagpapahusay sa deployment ng mga overseas Filipino workers (OFWs) at sa nararapat na proteksyon para sa mga ito, sa mga nakatakdang kasunduan na gagawin ng mga taga Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga bansang kanilang mapupuntahan.

Sinabi ni Labor Secretary Silvestre ‘Bebot’ Bello III nitong Biyernes na may nakahandang malaking bilang ng mga trabaho at bibigyang prayoridad ng DOLE ang mga OFW  na nawalan ng trabaho mula nang magsimula ang pandemya.

“Pansamantala, lumilikha kami ng mas maraming destinasyon kung saan maaaring magtrabaho ang ating mga OFW. Ito ang dahilan kung bakit pumapasok kami sa kasunduan sa Canada, Russia, China at maging sa Bangkok upang magkaroon tayo ng bilateral agreement sa kanila para mabigyan natin ng trabaho ang ating mga OFW,” pahayag ni Bello.

Ang Bilateral Labor Agreements (BLAs) ay pormal na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at sa mga bansang pupuntahan upang pamahalaan ang paglalagay kooperasyon sa paggawa sa pangangalaga at pagsusulong ng mga karapatan at kapakanan ng mga OFW, gayun din ang pagpapaunlad ng kakayahan at kasanayan ng manggagawa.

Dahil limitado pa rin ang pagde-deploy ng OFW sa ilang mga bansa, pinayuhan ni Bello ang mga manggagawang Filipino na ipagpatuloy muna ang pagpapahusay ng kanilang mga kasanayan habang nasa Pilipinas.

Sinabi rin ng kalihim na may 702,000 OFWs ang nakauwi ng bansa at ngayon ay kasama na ng kani-kanilang pamilya matapos sumailalim sa itinakdang quarantine protocols.

Pinangunahan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), isang ahensiya sa ilalim ng DOLE, ang pagbibigay ng iba’t ibang tulong sa mga OFW.

“Meron ding programa na tinatawag na Abot Kamay ang Pagtulong o AKAP. Kung hindi pa nakakauwi at nandun sila, [sa ibang bansa] walang trabaho dahil sa pandemya, binigyan namin sila ng tig-200 US dollars pero kung nakauwi na sila, binigyan namin sila ng katumbas na P10,000,” paliwanag ni Bello.

Tumanggap din ng scholarship grant ang mga anak ng OFWs sa ilalim ng OFW Dependent Scholarship Program (ODSP), isang tulong-edukasyon na P20,000 kada school year para sa mga kwalipikadong dependent ng active member OFW na ang sahod ay hindi hihigit ng 600 dollars.

Binanggit din ng Kalihim na hindi lamang ang mga aktibong miyembro ang tumatanggap ng tulong mula sa DOLE pati na rin iyong mga hindi miyembro.

“Sa kabuuan dapat sa mga active members pero sa panahon ng pandemya kailangan intindihin mo ang kanilang kalagayan. Kahit paano yung ayuda na binibigay sa regular OFW binibigyan din natin sila,” wika ni Bello.

Ang iba pang programa ng DOLE para sa OFW ay Balik Pinas Balik Hanapbuhay (BPBH), Education and Livelihood Assistance Program (ELAP) at Tulong Pangkabuhayan Para sa Pag-unlad ng Samahang OFWs (Tulong Puso) ng OWWA. ###

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1