News Release

Department of Labor and Employment

13 March 2019

 

Bello assures aid to 7 Filipino seafarers from Libya

 

Labor Secretary Silvestre Bello III has assured Tuesday the seven Filipino seafarers who were repatriated from Libya of government’s full assistance.

 

At the same time, Bello expressed the Philippine’s gratitude to the Tripoli government for the help extended for the early repatriation of the workers who have been held in Libyan prison for nearly two years.

 

The seafarers were flown back after being acquitted of fuel smuggling by the Libyan High Court.

 

In an emotional reunion at the Ninoy Aquino International Airport in Pasay City, the seafarers were welcomed by their respective families and officials led by Bello, Overseas Workers Welfare Administrator Hans Leo Cacdac, and officials of the Department of Foreign Affairs.

 

To help them get back on their feet, Bello said that the seafarers may avail from OWWA livelihood assistance and educational scholarship for their children.

 

Prior to the return of the seafarers, their families each received financial assistance worth P50,000 from OWWA.

 

“This is a manifestation of the government’s responsiveness to the needs of our workers while they are out of the country and even when they are back home to enable their quick reintegration,” Bello said.

 

He also highlighted the coordination among government agencies in the successful repatriation of the seafarers.

 

“Patuloy naming ipinagdasal ang aming paglaya. Nagpapasalamat kami sa mga sangay ng gobyerno, sa aming mga pamilya, at sa mga Pilipinong sumuporta sa amin hindi lang dito sa Pilipinas, kung hindi maging sa Libya,” said Captain Arthur Taleño, who is among those repatriated seafarers.

 

The Filipino seafarers, who have been detained in Libya for almost two years, were among the 20 Filipinos arrested after the Libyan Coast Guard boarded and seized the tanker M/T Levante while anchored in international waters. END/aldm

 

======================================================

Tulong sa 7 Filipino seafarer, tiniyak ni Bello

 

Tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III na makatatanggap ng tulong mula sa pamahalaan ang pitong Filipino seafarer na umuwi mula sa Libya nitong Martes.

 

Kasabay nito, nagpahatid ng pasasalamat si Bello sa pamahalaang Tripoli sa tulong na kanilang ibingay para agad makauwi ng Pilipinas ang mga seafarer na nakulong sa Libya sa loob ng dalawang taon.

 

Nakabalik ng Pilipinas ang mga seafarer matapos silang mapawalang-sala ng Libyan High Court sa kasong fuel smuggling.

 

Sinalubong ng kani-kanilang pamilya ang mga seafarer at ng mga opisyal sa pangunguna nina Bello, Overseas Workers Welfare Administrator Hans Leo Cacdac, at opisyal ng Department of Foreign Affairs.

 

Sinabi ni Bello na maaaring makatanggap mula sa OWWA ang mga seafarer ng tulong-pangkabuhayan at educational scholarship para sa kanilang mga anak.

 

Bago ang pagbabalik ng mga seafarer, nakatanggap ang kani-kanilang pamilya ng tulong-pinansiyal mula sa OWWA na nagkakahalaga ng P50,000.

 

“Ito ang patunay na tumutugon ang pamahalaan sa mga pangangailangan ng manggagawa habang sila ay nasa labas ng bansa at kahit sila ay nakabalik na sa kanilang mga tahanan para tulungan silang muling makapagsimula,” ani Bello.

 

Sinabi rin ng Kalihim na ang maayos na ugnayan ng mga ahensiya ng pamahalaan ang naging daan para sa matagumpay na pag-uwi ng mga seafarer.

 

“Patuloy naming ipinagdasal ang aming paglaya. Nagpapasalamat kami sa mga sangay ng gobyerno, sa aming mga pamilya, at sa mga Pilipinong sumuporta sa amin hindi lang dito sa Pilipinas, kung hindi maging sa Libya,” ani Captain Arthur Taleño, isa sa mga umuwing seafarers.

 

Kabilang ang pitong Filipino seafarer na nakulong sa Libya ng mahigit dalawang taon, sa 20 Filipino na nadakip matapos kunin ng Libyan Coast Guard ang tanker M/T Levante habang nakadaong sa international water. END/aldm/gmea

 

 

 

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry