News Release
Department of Labor and Employment
July 17, 2021

Bataan fetes Bello

Grateful for the support Bataan received from the Department of Labor and Employment (DOLE), top executives of the province yesterday hailed Labor Secretary Silvestre Bello III for being “close to the hearts of our people”.

Led by Governor Albert Garcia, the officials thanked Bello for bringing in Bataan the programs of the government to help its pandemic-hit workers recover.

Garcia said Bataenos are very much indebted to the Labor chief who extended all the assistance DOLE can give to their province –from the cash for work TUPAD program to livelihood packages for formal and informal sector workers.

“We owe a lot from you, Secretary Bebot. Thank you very much for your help,” Garcia said.

As a gesture of appreciation, Bello was awarded a plaque signifying the gratefulness of the people of the province. Another recognition was given by the Freeport Authority of Bataan (FAB) for having ably balanced the interests of locators and their workers.

However, Bello said Bataan doesn’t owe him anything.

“The funds DOLE released for the province is the money of the people. DOLE is just giving it back to them,” Bello said.

“I’m just following instructions from President Duterte to give the money to workers affected by the crisis,” he said. ###

============================================

Bataan pinarangalan si Bello 

Bilang pasasalamat sa suportang natanggap ng Bataan mula sa Department of Labor and Employment (DOLE), pinapurihan ng mga pinuno ng lalawiganng Bataan si Labor Secretary Silvestre Bello III sa pagiging “malapit sa mga puso ng mga tao.”

Sa pangunguna ni Governor Albert Garcia, pinasalamatan ng mga opisyal si Bello sa paghahatid ng mga programa ng pamahalaan sa Bataan upang tulungang makabawi ang mga manggagawang naapektuhan ng pandemya.

Sinabi ni Garcia na malaki ang utang na loob ng Bataenos sa Labor Chief sa ibinigay na tulong ng DOLE sa kanilang probinsiya—mula sa programang cash for work ng TUPAD at programang pangkabuhayan para sa mga pormal at impormal na sektor ng manggagawa.

“Malaki ang utang namin sa iyo, Secretary Bebot. Maraming salamat sa iyong mga tulong,” pahayag ni Garcia.

Bilang pasasalamat, ginawaran si Bello ng plake mula sa mga mamamayan ng lalawigan. Dagdag dito, isa pang pagkilala ang ibinigay ng Freeport Authority of Bataan (FAB) kay Bello para sa pagbabalanse nito sa interes ng mga locator at kanilang manggagawa.

Gayunpaman, sinabi ni Bello na walang utang na anupaman sa kanya ang Bataan.

“Ang pondo na ibinigay ng DOLE sa kanilang lalawigan ay pera ng bayan. Ibinabalik lamang ito sa kanila ng DOLE,” wika ni Bello

Sinusunod ko lamang ang mga tagubilin ni Pangulong Duterte na ibigay ang pera kung saan ito nararapat, at ito ay sa mga manggagawang naapektuhan ng krisis,” aniya. ###

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1