News Release
Department of Labor and Employment
December 3, 2020

Avail CAMP, TUPAD – DOLE advises displaced tourism workers

The labor department encourages displaced tourism workers in the formal and informal sectors to avail of the financial assistance and the emergency employment program of the government.

Under Joint Memorandum Circular No. 2020-001 signed by Labor Secretary Silvestre Bello III and Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, tourism industry workers, such as tour guides and service staff, may receive a one-time financial aid amounting to P5,000 under the COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).

Workers may avail of the assistance provided that they are employed under a Department of Tourism (DOT)-accredited Primary Tourism Enterprise, DOT-accredited Secondary Tourism Enterprise, Local Government Unit-licensed (non-DOT-accredited) Primary Tourism Enterprise, or a registered Community-Based Tourism Organization (CBTO).

Establishments with DOT accreditation may directly visit https://reports.dole.gov.ph/  for the online application.

To apply for CAMP, applicants may select the “Apply for CAMP Financial Assistance” option. If applying for laid-off workers, the applicant simply needs to fill in the online form.

Each applicant will be given a tracking number to monitor the progress of their application.

Meanwhile, workers in the informal sector whose means of livelihood are tourism-related may apply for inclusion in the cash-for-work program under the Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program.

The CAMP and TUPAD are being implemented in fulfilment of the goals of Republic Act No. 11494 or the Bayanihan to Recover as One Act, which was enacted on September 11 to address the widespread economic and societal impact of the COVID-19 pandemic. END/BLE/aldm

==========================================================

CAMP, TUPAD maaaring pakinabangan ng mga manggagawa sa turismo na nawalan ng trabaho, payo ng DOLE 

Hinikayat ng kagawaran ng paggawa ang mga manggagawa sa turismo at informal sector na kanilang pakinabangan ang tulong-pinansiyal at emergency employment program ng pamahalaan.

Batay sa Joint Memorandum Circular No. 2020-001 na nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III at Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, ang mga manggagawa sa industriya ng turismo, tulad ng tour guide at service staff, ay maaaring makatanggap ng isang beses na tulong-pinansiyal na nagkakahalaga ng P5,000 sa ilalim ng COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP).

Ang mga manggagawa ay maaaring makatanggap ng tulong kung sila ay nagtatrabaho sa Department of Tourism (DOT)-accredited Primary Tourism Enterprise, DOT-accredited Secondary Tourism Enterprise, Local Government Unit-licensed (non-DOT-accredited) Primary Tourism Enterprise, o sa rehistradong Community-Based Tourism Organization (CBTO).

Ang mga establisyamento na may akreditasyon sa DOT ay maaaring direktang magsumite ng kanilang online application sa https://reports.dole.gov.ph/.

Para mag-apply sa CAMP, maaaring piliin ng aplikante ang opsyon na “Apply for CAMP Financial Assistance”. Kung mag-aapply para sa mga manggagawang tinanggal sa trabaho, kailangan lamang nilang punan ang online form.

Ang bawat aplikante ay bibigyan ng tracking number para i-monitor ang kalagayan ng kanilang aplikasyon.

Samantala, ang mga manggagawa sa informal sector na ang kabuhayan ay may kinalaman sa turismo ay maaaring makasali sa cash-for-work program sa ilalim ng Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) Program.

Ipinatutupad ang CAMP at TUPAD batay sa layunin ng Republic Act No. 11494 o ang Bayanihan to Recover as One Act, na pinagtibay noong Setyembre 11 para tugunan ang malawakang epekto ng pandemyang COVID-19 sa ekonomiya.

END/BLE/aldm

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
131