News Release
Department of Labor and Employment
November 14, 2021

Apply for a 13th-month pay loan, Bello tells micro, small biz 

Micro and small enterprises that are having difficulty in financing the 13th-month pay of their employees can apply for a government loan, Labor Secretary Silvestre Bello III announced on Friday.

The labor chief made the call as he reminded employers that the grant of 13th-month pay is mandatory. He however assured establishments that are still struggling amid the re-opening of the economy of the government’s support through the Small Business Corporation (SBCorp).

“Let me remind the employers that the grant of 13th-month pay is mandatory. We issued a Labor Advisory where we maintained that no exemption and no deferment will be allowed on the payment of the 13th-month pay. So, with this loan facility from SB Corporation, there is no more reason to not give the 13th-month pay,” Bello said during the ceremonial launch of the loan program with the Department of Trade and Industry and its financing arm, SBCorp on Friday.

As of November 12, a total of 25 loan applications amounting to P5.052 million were already approved by SBCorp.

Qualified borrowers are the micro and small enterprises that have implemented flexible work arrangements and registered under the DOLE Establishment Reporting System as of October 15, 2021.

The loan program can cover up to 40 employees per establishment and the loanable amount is at P12,000 per current employee.

It is a zero-interest rate, no collateral loan that is payable in 12 months, inclusive of the three-month grace period.

“I encourage our employers, especially yung mga nahihirapan pa, to avail of this facility so that they can comply with the mandate to pay our workers with what is due them, especially this Christmas season,” said Bello.

Interested micro and small enterprises may apply at www.bayanihancares.ph. ### aldm

==============================================

Payo ni Bello sa micro, small biz, mag-aplay ng 13th-month pay loan

Maaaring mag-apply ng government loan ang mga micro at small enterprises na nahihirapang tustusan ang 13th-monthy pay ng kanilang mga empleyado, pahayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III.

Ginawa ng Kalihim ang panawagan kasabay ng pagpapaalala sa mga employer na mandatoryo ang pagbibigay ng 13th-month pay. Gayunpaman, tiniyak niya ang suporta ng pamahalaan sa pamamagitan ng Small Business Corporation (SBCorp) para sa mga establisimyentong nahihirapan pa rin sa gitna ng muling pagbubukas ng ekonomiya.

“Pinapaalalahanan ko ang mga employer na mandatory ang pagbibigay ng 13th-month pay. Naglabas na kami ng Labor Advisory kung saan aming ipinahayag na walang exemption at hindi papayagan ang pagpapaliban sa pagbibigay ng 13th-month pay. At dahil may loan facility mula sa SB Corporation, wala nang dahilan upang hindi magbigay nito sa mga empleyado,” pahayag ni Bello sa ginanap na paglulunsad ng programang pautang kasama ang Department of Trade and Industry at ang SBCorp.

Nitong Nobyembre 12, may 25 loan application, na nagkakahalaga ng P5.052 milyon, ang inaprobahan ng SBCorp.

Ang mga kwalipikadong borrower ay ang micro at small enterprises na nagpatupad ng flexible work arrangement at naka-rehistro sa DOLE Establishment Reporting System noong Oktubre 15, 2021.

Sakop ng programang pautang ay ang hanggang 40 empleyado kada establisimyento at ang halaga ng mauutang ay P12,000 kada aktwal na empleyado.

Ito ay zero-interest rate, hindi nangangailangan ng kolateral at babayaran sa loob ng 12 buwan, kasama ang tatlong buwang palugit.

“Hinihikayat ko ang ating mga employer, lalo na yung mga nahihirapan pa, na mag-avail ng pasilidad na ito upang makasunod sila sa kautusang ito na bayaran ang ating mga manggagawa kung ano ang nararapat para sa kanila, lalo na ngayong Kapaskuhan,” pahayag ni Bello.

Maaaring mag-aplay ang mga interesadong micro and small enterprises sa www.bayanihancares.ph. ### aldm/ gmea

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
283