Umabot na sa 7,801 katanungan mula sa 5,508 na caller sa buwan lamang ng Enero 2017 ang nasagot at nasolusyunan ng Hotline 1349 ng Department of Labor and Employment (DOLE), ayon kay Labor Secretary Silvestre H. Bello III.

Ang DOLE Hotline 1349 ay nagsisilbi bilang katuwang ng DOLE sa pagtulong, pagsagot, at pagbibigay kalinawan sa mga katanungan ng publiko kaugnay ng iba’t ibang programa at serbisyo ng kagawaran.

Karamihan sa mga katanungan na natanggap sa buwan ng Enero ay may kaugnayan sa proteksyon at kapakanan ng mga manggagawa na umabot sa 5,160 o 70 porsiyento ng mga tawag. Ang pinakamalaking bilang ng tawag na may kaugnayan rito ay ang mga katanungan kaugnay sa pagtitiyak ng mga holiday break, at batayan sa pagpapasuweldo tuwing holiday na may 4,281 na tawag. Mayroon namang 521 na tawag kaugnay sa mga tanong sa separation/ termination, 257 sa resignation, at 164 naman na nauukol sa probationary/regularization/part-time/OJT.

Nakatanggap naman ng 1,557 na tawag ang hotline na may kaugnayan sa labor relation, 395 rito ang nauukol sa Single Entry Approach (SEnA) mechanism ng DOLE; 443 para sa grievance settlement/voluntary arbitration; at 152 na tawag para sa adjudication.

Nakapagtala naman ng 1,084 na tawag na may kaugnayan sa trabaho, na kinabibilangan ng mga katanungan sa employment facilitation, na may 335 na tawag; alien employment permit, 222, at PRPA permit, na nagkamit ng 201 na tawag.

“Sa kabuuan, ang DOLE Call center ay nakatanggap ng higit-kumulang na 178 na tawag at 252 na mga katanungan kada araw para sa nasabing buwan, at karamihan sa mga kliyente ay nasiyahan sa aksyong ginampanan ng ating mga DOLE Action officers,” dagdag pa ni Bello.

#ctmaring/ Paul Ang

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
2