News Release
Department of Labor and Employment
21 October 2019

5k jobs in Europe for Pinoys

Fresh job opportunities are being made available for Filipino workers in southern central Europe, the labor department reported yesterday.

Labor Secretary Silvestre Bello III said Slovenia is seeking Philippine approval for the deployment of between 2,000 to 5,000 skilled and semi-skilled labor to supplement their workforce. Similar opportunities are also available to Filipino workers in Russia and Canada.

Bello said representations were made by Slovenian officials recently. “I told them that we first need to sign a bilateral agreement,” he said.

Among the jobs to open to Filipinos include health care workers, nurses, engineers, truck drivers, heavy machine and equipment operators, and other industries, and household service.

The labor secretary said the salary in Slovenia is more competitive compared to the Middle East where qualified workers can expect a minimum wage of about $1,000.

“The salaries are definitely higher than that of the Middle East. In Saudi Arabia it is around $400. In Slovenia, we are looking probably at around P50,000 to P75,000 or about $1,000 as long as we can come up with a bilateral agreement and we both agree with the provisions and the template contract,” Bello said.

He further added a technical working group will be formed to negotiate the terms of the agreement and ensure the protection and safety of the OFWs. The crafting of the bilateral agreement will take about three months.

Bello said the classes of jobs and the requirements will be finalized upon the completion of the bilateral agreement. English language proficiency, however, will be one of the qualifications for aspiring applicants.

But DOLE chief reminded that acceptance of applications for Slovenia is yet to commence.

“We do not have job orders for Slovenia as of this moment, we are still working on it. We advise the public to wait for the formal announcement that we are starting to accept applications. Be cautious and go to DOLE or POEA first to check the legitimacy of your recruitment agencies and the job orders they offer. Some agencies continue their operations despite their suspension,” the labor chief added.

#Paul Ang

====================================================

5k trabaho sa Europe para sa Pinoy

Magkakaroon na muli ng bagong oportunidad sa trabaho para sa mga Pilipinong manggagawa sa southern central Europe, base sa ulat ng Department of Labor and Employment.

Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III, nais ng bansang Slovenia na humingi ng pahintulot sa Pilipinas kaugnay sa pagpapadala ng nasa 2,000 hanggang 5,000 skilled at semi-skilled na manggagawa upang mapalakas ang kanilang workforce. Kahalintulad din ito sa mga oportunidad na ibinibigay ng Russia at Canada sa mga Pilipinong manggagawa.

Sinabi ni Bello na ang kahilingan ay ginawa ng mga opisyal mula sa Slovenia. “Sinabi ko na kailangan muna nating pumirma ng isang bilateral agreement,” wika ni Bello.

Kabilang sa mga trabahong bubuksan sa mga Pilipino ay mga health care worker, nurse, engineer, truck driver, heavy machine at equipment operator, at iba pa, at mga household service worker.

Maganda rin ayon sa kalihim ang suweldo sa Slovenia na mas mataas kumpara sa Middle East kung saan ang mga kuwalipikadong manggagawa ay maaaring makatanggap ng minimum wage na $1,000.

“Ang suweldo ay tiyak na mas mataas kumpara sa Middle East. Sa Saudi Arabia aabot lamang ng $400. Sa Slovenia, maaari itong umabot ng nasa P50,000 hanggang P75,000 o mga $1,000 sa oras na magkaroon na tayo ng bilateral agreement at mapagkasunduan ang mga probisyon at template contract,” dagdag pa ni Bello.

Bubuo na rin siya ng technical working group na siyang makikipag-usap ukol sa mga probisyon ng kasunduan at upang matiyak ang proteksyon at kaligtasan ng mga OFW. Tinatayang aabot ng hanggang tatlong buwan ang paggawa ng nasabing bilateral agreement.

Sinabi pa ni Bello na ang mga klase ng trabaho at requirement at isasapinal sa oras na matapos ang bilateral agreement. Isa naman ang English language proficiency sa mga magiging kuwalipikasyon para sa mga nais mag-aplay.

Gayunman, nagpaalala ang kalihim na hindi pa nagsisimula ang pagtanggap ng mga aplikasyon para sa Slovenia.

“Sa ngayon, wala pa tayong mga job order para sa Slovenia dahil dadaan pa ito sa proseso. Inaabisuhan namin ang publiko na hintayin ang pormal na anunsyo na magsisimula na ang pagtanggap ng aplikasyon. Mag-ingat at magtungo muna sa DOLE o sa POEA upang matiyak ang pagiging lehitimo ng inyong mga recruitment agency at job order na kanilang inaalok. Ang ibang mga ahensya ay patuloy pa rin sa kanilang operasyon kahit pa sila ay suspendido,” dagdag pa ng kalihim.

#Paul Ang

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
261