News Release
Department of Labor and Employment
15 June 2019

3k jobseekers hired on Independence Day

A total of 2,818 jobseekers found employment on June 12, Independence Day.

Labor Secretary Silvestre Bello III thanked the 560 participating employers, which offered 68,893 local and overseas jobs, for taking part in the nationwide job fair, which he said is a “testament to their commitment to the continuing efforts of our government to give our Filipinos decent and productive jobs.”

In a report, the Bureau of Local Employment said that 21,722 applicants trooped to the 22 Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) job and business fair sites nationwide in celebration of the 121st Declaration of Philippine Independence.

As a result, 2,818 jobseekers were hired on the spot, aside from the 9,327 applicants who were ‘near-hires.’

‘Near hires’ are job applicants who may be considered as hired, but need to submit additional or lacking requirements or may need to attend further interviews or tests.

They may be hired or placed depending on the outcome of their interview and compliance of pre-employment requirements of the hiring company.

Among those who were hired-on-the-spot at the main job fair site in San Andres Sports Complex, Malate, Manila were Mark Neo, Ludovico Sison, Rachelle Fortuno, Elsha Espallardo, and Erwin Verdijo.

The successful jobseekers are bound for Qatar and were hired as a butcher (Neo and Sison), baker (Fortuno), a cashier (Espallardo), and a sales associate (Verdijo) by CDK International Services Corporation.

“Nalaman ko na may job fair sa balita kaninang umaga lang. Dali-dali akong nag-asikaso para makapunta dito,” said 32-year-old Verdijo who rushed to the job fair all the way from Rizal after finding out about it through a morning news program.

His determination and promptness paid-off as he was immediately hired by the first employer that he applied to.

Twenty-five-year old Espallardo, meanwhile, said that she found out about the job fair through social media. She finished a two-year computer science course in college and said that she wanted to work abroad to save money and help her family.

Other jobseekers were referred to TESDA for skills training (226), to livelihood assistance provided by DOLE (287), to DTI for business opportunity (721), and to other participating government agencies such as NBI, SSS, PRC, OWWA, POEA, BIR, PhilHealth, Pag-IBIG, and PSA (1,582).

END/aldm 

=================================================================

3k aplikante natanggap sa Araw ng Kalayaan

May 2,818 aplikante ang nakahanap ng trabaho noong Hunyo 12, Araw ng Kalayaan.

Pinasalamatan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang 560 employer, na nag-alok ng 68,893 trabahong lokal at sa ibang bansa, sa kanilang pakikibahagi sa ginanap na job fair sa buong bansa, kung saan kanyang sinabi na “ito ang patunay na sila ay nakikipagtulungan sa mga pagpupunyagi ng pamahalaan na mabigyan ang bawat Filipino ng disente at produktibong trabaho.”

Sa ulat ng Bureau of Local Employment, 21,722 aplikante ang nagpunta sa 22 Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) job and business fair sa buong bansa bilang paggunita ng ika-122 taon ng Deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas.

Ang resulta, 2,818 aplikante ang hired-on-the-spot, bukod pa sa 9,327 aplikante na ‘near-hires.’

Ang ‘near hires’ ay iyong mga aplikante na tinuturing na natanggap na sa trabaho, ngunit kinakailangan pang mag-sumite ng karagdagan o may kulang na dokumento o kinakailangan pang sumailalim sa karagdagang interbyu o pagsusulit.

Maaari silang matanggap sa trabaho depende sa magiging resulta ng kanilang interbyu at pagsusumite ng dokumento na kailangan ng kompanyang kanilang papasukan.

Kabilang sa mga hired-on-the spot sa job fair sa San Andres Sports Complex, Malate, Manila ay sina Mark Neo, Ludovico Sison, Rachelle Fortuno, Elsha Espallardo, at Erwin Verdijo.

Ang mga mapalad na aplikante ay patungong Qatar at magtatrabaho bilang butcher (Neo at Sison), baker (Fortuno), cashier (Espallardo), at sales associate (Verdijo) sa  pamamagitan ng CDK International Services Corporation.

“Nalaman ko na may job fair sa balita kaninang umaga lang. Dali-dali akong nag-asikaso para makapunta dito,” ani Verdijo, 32 taong-gulang, na agad nagtungo sa job fair mula sa Rizal matapos itong marinig sa isang pang-umagang programa.

Nagbunga ang kanyang determinasyon at agad na pagkilos dahil agad siyang natanggap ng employer na una niyang inaplayan.

Samantala, sinabi ni Espallardo, 25 taong-gulang, na kanyang nalaman ang job fair sa pamamagitan ng social media. Nagtapos siya ng dalawang-taong computer science course sa kolehiyo at nais magtrabaho sa ibang bansa upang makaipon at makatulong sa kanyang pamilya.

Ang ibang naghahanap ng trabaho ay inilapit sa TESDA para sa karagdagang pagsasanay (226), tulong-pangkabuhayan mula sa DOLE (287), sa DTI para sa oportunidad sa negosyo (721), at sa iba pang lumahok na ahensiya tulad ng NBI, SSS, PRC, OWWA, POEA, BIR, PhilHealth, Pag-IBIG, at PSA (1,582).

END/aldm/gmea

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry