News Release
Department of Labor and Employment
July 29, 2021

1ST batch of health care workers deployed in Israel

The government has started the deployment of home-based caregivers in Israel, the Department of Labor and Employment said on Wednesday.

Administrator Bernard Olalia of the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) said the deployment of OFWs in Israel is pursuant to the Bilateral Labor Agreement (BLA) signed by Labor Secretary Silvestre Bello III with Israeli Interior Minister Aryeh Machluf in 2018.

“We took the initiative to address the concern and request of Israel for caregivers. Since we cannot disregard the fact that there are illegal recruiters here and there, Secretary Bello continues to remind OFWs to avoid dealing with bogus recruiters and under-the-table transactions that require placement fees of about P500,000,” Olalia said.

On Tuesday, 48 caregivers listed in the first batch left for Israel and were welcomed by the officials of the Philippine Embassy and the Philippine Overseas Labor Office (POLO) in Ben Gurion International Airport in Tel Aviv.

The POEA chief said the group is part of the first batch of 377 OFWs who were supposed to be deployed last year, but there was a delay in the processing of their documents and their flights because of the lockdowns or heightened restrictions to curb the spread of Covid-19.

It was in November last year when the POEA Government Placement Branch posted 500 vacant positions for home-based care-givers in the POEA website, which yielded 1,375 applicants in the e-registration database.

“We are now processing the documents of the qualified applicants for the 2nd round of recruitment, and this time, we are looking at more than 1,000 OFWs who will undergo the usual process of selection, hiring and matching with their respective employers in Israel,” Olalia said.

Prior to their deployment, OFWs are not required to be vaccinated, but upon their arrival in Israel, a COVID-19 test will be facilitated and they will have to undergo the mandatory institutional quarantine protocols, Olalia added.

Aside from caregivers, household service workers, and nurses, the Israeli government has a high demand for various jobs in the sectors of technology, services, hospitality and manufacturing.

“To date, we have not reached the 6,500 ceiling on the annual overseas deployment of health care workers (HCWs). However, more countries are opening their doors for Filipino HCWs, so we are meeting with the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases to recommend the increase of deployment cap, as urged by medical groups,” the POEA chief said.

The temporary deployment cap is imposed by the Philippine government to ensure that the country will not run out of medical workers. ### Paul Ang

===========================================================

Unang batch ng health care workers dineploy sa Israel

Sinimulan na ng pamahalaan ang pag-deploy ng mga home-based caregiver sa Israel, pahayag ng Department of Labor and Employment (DOLE) nitong Miyerkules.

Sinabi ni Administrator Bernard Olalia ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na ang pag-deploy ng OFW sa Israel ay alinsunod sa Bilateral Labor Agreement (BLA) na nilagdaan ni Labor Secretary Silvestre Bello III kasama si Israeli Interior Minister Aryeh Machluf noong 2018.

“Ang inisyatibong ito ay upang tugunan ang kahilingan ng Israel para sa mga caregiver. Dahil hindi natin maaaring balewalain ang katotohanan na may mga illegal recruiter kahit saang dako, patuloy na pinaaalalahanan ni Secretary Bello ang mga OFW na iwasang makipag-ugnayan sa mga pekeng recruiter at under-the table transaction na humihingi ng placement fee na umaabot sa P500,000,” pahayag ni Olalia.

Noong Martes, 48 caregiver na nakalista sa unang batch ang umalis na patungong Israel at sinalubong ng mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas at ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Ben Gurion International Airport sa Tel Aviv.

Sinabi ng POEA chief na ang grupo ay bahagi ng unang batch ng 377 OFW na dapat ay idedeploy noong nakaraang taon, ngunit naantala ang pag-proseso ng kanilang mga dokumento at kanilang mga flight dahil sa lockdown o heightened restriction ng pamahalaan  para mapigilian ang pagkalat ng Covid-19.

Nitong Nobyembre ng nakaraang taon nang mag-post ang POEA Government Placement Branch ng 500 bakanteng posisyon para sa mga home-based caregiver sa POEA website, kung saan umabot sa 1,375 aplikante ang nagtala sa e-registration database.

“Pinoproseso namin ngayon ang mga dokumento ng mga kwalipikadong aplikante para sa ikalawang yugto ng recruitment, at sa ngayon, tinitingnan namin ang higit sa 1,000 OFW na sasailalim sa karaniwang proseso ng pagpili, pagkuha at pagtutugma sa kani-kanilang employer sa Israel,” wika ni Olalia.

Hindi kinakailangang nabakunahan ang OFW bago sila ma-deploy, subalit sa kanilang pagdating sa Israel, sasailalim sila sa Covid-19 test at sa mandatory institutional quarantine, dagdag ni Olalia.

Bukod sa mga caregiver, household service worker, at nurse, may mataas na pangangailangan din ang pamahalaang Israel para sa iba’t-ibang trabaho sa sektor ng technology, services, hospitality at manufacturing.

“Sa ngayon, hindi pa namin naabot ang itinakdang 6,500 para sa taunang pagdedeploy ng health care worker (HCW) sa ibang bansa. Gayunpaman, maraming mga bansa ang nagbubukas ng kanilang pintuan para sa mga Filipino HCW, kaya makikipag-pulong kami sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases para sa rekomendasyon na dagdagan ang deployment cap, na hinihiling rin ng mga medical group,” pahayag ng POEA chief.

Ang pansamantalang deployment cap ay ipinapataw ng pamahalaang Pilipinas upang tiyakin na hindi kukulangin sa medical worker ang bansa. ### Paul Ang/ gmea

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry