Sa paggunita ng ika-120 taong anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas sa Hunyo 12,magsasagawa ang Department of Labor and Employment ng 19 Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) job and business fair sa iba’t ibang pamahalaang lokal sa 14 rehiyon sa buong bansa.
Pinayuhan ni Secretary Silvestre H. Bello III ang mga naghahanap ng trabaho na pumunta sa job and business fair sa kanilang lugar para mabilis na makahanap ng trabaho sapagkat maraming employer ang magsasama-sama sa iisang lugar.
Upang tumaas ang tsansa nilang ma-hire-on-the-spot, pinaalalahanan ni Bello ang mga naghahanap ng trabaho na ihanda ang mga sumusunod na dokumento para sa kanilang aplikasyon: resume o curriculum vitae (magdala ng sobrang kopya para sa iba’t ibang aplikasyon); 2 x 2 ID pictures; certificate of employment para sa mga dating nagtrabaho; diploma at/o transcript of records; at authenticated birth certificate.
Gaganapin ang 2018 Araw ng Kalayaan job at business fair sa mga sumusunod na lugar:
National Capital Region (NCR) – Senior Citizen’s Garden, Rizal Park, Manila
Cordillera Administrative Region (CAR) – Porta Vaga Mall Veranda, Baguio City
Region 1 – Nepo Mall, Dagupan City; Candon Civic Center, Candon City, Ilocos Sur; Pacoy Ortega Gymnasium, San Fernando City, La Union
Region 2 – Tuguegarao People’s Gym, Tuguegarao City, Cagayan
Region 3 – Metro Town Mall, Tarlac City
Region 4A – Freedom Park, Kaingen, Kawit, Cavite; Sunstar Mall, Sta. Cruz, Laguna
Region 5 – Ayala Mall, Legazpi City
Region 6 – 888 China Town Square, Bacolod City
Region 7 – Negros Oriental Convention Center; Cebu City Sports Complex
Region 8 – Provincial Covered Court, Catbalogan City
Region 9 – KCC Mall de Zamboanga, Gov. Camins Ave. Zamboanga City; Zamboanga del Norte Cultural Convention and Sports Center, Gen. Luna St., Dipolog City
Region 10 – Iligan City
Region 11 – Davao City Recreation Center (Almendras Gym)
Region 12 – KCC Mall Convention Center, General Santos City
Ang Trabaho, Negosyo, Kabuhayan (TNK) ay pinagsamang proyekto ng DOLE at ng Department of Trade and Industry (DTI), na naglalayong ilapit ang oportunidad sa trabaho at pagnenegosyo sa mga komunidad.
Ang paggunita sa 2018 Araw ng Kalayaan ay may temang, “Kalayaan 2018 Pagbabagong Ipinaglaban, Alay sa Masaganang Kinabukasan.”
END/aldm/gmea