News Release
Department of Labor and Employment
July 2, 2021

1,500 jobs up for grabs as economy rebounds

As the labor market continues on an upswing following the gradual resumption of economic activities, the Department of Labor and Employment announced today a call for 1,500 workers for a manufacturing company based in Laguna.

Engr. Renato B. Almeda, vice president of Yazaki-Torres Manufacturing Inc. (YTMI), approached Labor Assistant Secretary and Concurrent Bureau of Local Employment Director Dominique Rubia-Tutay for the Department’s assistance in finding additional manpower to support the firm’s current operations. The company is the largest wiring harness manufacturer in the Philippines and is the country’s top exporter of automotive parts.

The PEZA Outstanding Employer Hall of Fame and Presidential Outstanding Healthy Workplace awardee company hopes that by tapping the Department’s network and reach, the opportunity could be brought to Filipino jobseekers adversely affected by the pandemic.

The Department welcomed the request and commended YTMI for its initiative.

“This is just the kind of collaboration we at DOLE believe is crucial for our country’s continuous recovery,” Secretary Bello said. “We need to see more partnerships between the government and the private sector for the labor market to continue to flourish and for unemployment to persist on a downward trend.”

This is in line with the main thrust of the National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force, which the Department co-chairs. The inter-agency task force is committed to a ‘whole-of-society’ approach towards employment recovery.

Last week, President Rodrigo Roa Duterte signed an executive order adopting the NERS and mandating the task force to oversee its implementation. Following its release, the Task Force immediately took action, priming the launch of a partnership project that will bring one million jobs to the market.

Reform, Rebound, Recover: One Million Jobs for 2021 brings together key government agencies with leading business groups in the creation of one million jobs in the construction, manufacturing (particularly semiconductors and electronics), tourism and hospitality, and export industries.

DOLE leads the project on the government side, together with the Employers’ Confederation of the Philippines for the private sector.

“With the launch of ‘Reform, Rebound, Recover’, the public can expect more calls for job applicants such as this from the Department,” Asec. Rubia-Tutay declared. “DOLE and the NERS Task Force are steadfastly working to ensure the safe progress of the improving jobs market.”

Jobseekers who wish to apply for the YTMI vacancies may send their resume indicating their Messenger account and contact details to ‘YTMI Hiring’ on Messenger or via email to ytmirecruitment@gmail.com, j.rubio@khmpc.com.ph or june.belen2017@yahoo.com. END/

==============================================================

1,500 trabahong alok sa muling pagbangon ng ekonomiya

Habang patuloy na bumubuti ang merkado ng paggawa kasunod ng unti-unting pagbubukas ng ekonomiya, inihayag ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pangangailangan sa 1,500 manggagawa sa isang manufacturing company na naka-base sa Laguna.

Lumapit si Engr. Renato B. Almeda, vice-president ng Yazaki-Torres Manufacturing Inc. (YTMI) kay Labor Assistant Secretary at Concurrent Bureau of Local Employment Director Dominique Rubia-Tutay at humiling ng tulong sa Kagawaran sa paghahanap ng karagdagang manggagawa upang suportahan ang kasalukuyang operasyon ng kompanya. Ang kompanya ng Yazaki-Torres ang pinakamalaking tagagawa ng wiring harness sa Pilipinas at nangungunang exporter ng automotive parts sa bansa.

Umaasa ang kompanya, na nagkamit ng parangal bilang PEZA Outstanding Employer Hall of Fame at ng Presidential Outstanding Healthy Workplace, na sa pamamagitan ng network ng DOLE, mailalapit ang oportunidad na ito sa mga manggagawang Filipino na lubhang naapektuhan ng pandemya.

Nagpasalamat ang Kagawaran sa YTMI sa kanilang inisyatibo.

“Naniniwala ang DOLE na mahalaga ang pagtutulungang ito para sa tuloy-tuloy na pagbangon ng ating bansa,” pahayag ni Bello. “Kailangang magkaroon pa tayo ng pagtutulungan sa pagitan ng pamahalaan at pribadong sektor para patuloy na gumanda ang merkado ng paggawa at bumaba ang bilang ng walang trabaho.

Alinsunod ito sa pangunahing layunin ng National Employment Recovery Strategy (NERS) Task Force, kung saan co-chair ang DOLE. Nakatuon ang inter-agency task force sa isang layunin na “whole-of-society” tungo sa pagbabalik ng trabaho.

Noong nakaraang linggo, nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang isang executive order na pinagtitibay ang NERS at nag-aatas sa task force na pangasiwaan ang implementasyon nito. Matapos ang paglabas nito, agad na kumilos ang Task Force, at pinasimulan ang paglulunsad ng isang pinagsamang proyekto na naglalayong makalikha ng isang milyong trabaho.

Pinagsasama ng Reform, Rebound, Recover: One Million Jobs for 2021 ang mga pangunahing ahensiya ng pamahalaan at mga nangungunang grupo ng negosyo ang paglikha ng isang milyong trabaho sa construction, manufacturing (particular sa semiconductors at electronics), tourism and hospitality, at export industries.

Sa panig ng pamahalaan, ang DOLE ang namumuno sa proyekto, kasama ang Employers’ Confederation of the Philippines para sa pribadong sektor.

“Sa paglulunsad ng ‘Reform, Rebound, Recover’, makaaasa ang publiko ng mas maraming tawag para sa mga aplikante tulad nito mula sa Department,” pahayag ni Asec. Rubia-Tutay. “Ang DOLE at ang NERS Task Force ay patuloy na magpupunyagi upang tiyakin ang ligtas na pag-unlad ng bumubuting merkado ng paggawa.”

Maaaring ipadala ng mga naghahanap ng trabaho at nagnanais mag-aplay sa mga bakanteng posisyon sa YTMI ang kanilang resume kung saan nakasaad ang kanilang messenger account at contact details sa ‘YTMI Hiring’ sa Messenger o sa email nito ytmirecruitment@gmail.com, j.rubio@khmpc.com.ph, o june.belen2017@yahoo.com. END/

 

 

 

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry
1