May 111,009 aplikante ang natanggap sa trabaho sa pamamagitan ng job fair na isinagawa ng Kagawaran ng Paggawa at Empleo (DOLE) sa buong bansa nitong huling sampung buwan, pahayag ni Kalihim Silvestre H. Bello III.

 

“Ang pagsasagawa ng job fair ay isa sa mga istratehiya ng Kagawaran upang tugunan ang unemployment at underemployment. Sa pamamagitan ng job fair, pinagtatagpo namin ang mga employer at naghahanap ng trabaho, upang gawing mabilis ang kanilang paghahanap,” ani Bello.

 

Batay sa ulat ng Bureau of Local Employment (BLE), sinabi ni Bello na 3,288,322 bakanteng trabaho ang inialok sa job fairs na ginanap sa buong bansa na nilahukan ng 65,474 employer at recruitment agency.

 

Sa 437,247 aplikante na nagparehistro sa job fairs sa buong bansa, 223,428 ang kwalipikado sa mga posisyon na inialok ng mga employer at recruitment agency.

 

Sa mga kwalipikadong aplikante, 111,009 ang matagumpay na natanggap sa trabaho. Ito ay binubuo ng mga hired-on-the-spot (HOTS) at iyong mga natanggap matapos sumailalim sa hiring process ng mga employers at placement agencies.

 

Ang bilang ng regional job fairs na isinagawa ng 2016 at ang kaukulang bilang ng aplikanteng nabigyan ng trabaho ay ang mga sumusunod:

 

Cordillera Administrative Region (CAR)–15,408 aplikanteng natanggap sa trabaho sa 21 job fair; NCR–27,757 aplikanteng natanggap sa 204 job fair; Ilocos Region–3,343 aplikanteng natanggap sa 81 job fair; Cagayan Valley Region–2,029 aplikanteng natanggap sa 47 job fair; Central Luzon–9,843 aplikanteng natanggap sa 98 job fair; CALABARZON–33,759 aplikanteng natanggap sa 365 job fair; MIMAROPA–113 aplikanteng natanggap sa 10 job fair; Bicol Region–1,142 aplikanteng natanggap sa 48 job fair;

 

Negros Island Region–459 aplikanteng natanggap sa 37 job fair; Western Visayas–158 aplikanteng natanggap sa 43 job fair; Central Visayas–5,026 aplikanteng natanggap sa 50 job fair; Eastern Visayas–1,011 aplikanteng natanggap sa 17 job fair;

 

Zamboanga Peninsula – 571 aplikanteng natanggap sa 19 job fair; Northern Mindanao–3,143 aplikanteng natanggap sa 32 job fair; Davao Region–2,266 aplikanteng natanggap sa 75 job fair; SOCCSKSARGEN–3,683 aplikanteng natanggap sa 56 job fair; at Caraga–1,298 aplikanteng natanggap sa 33 job fair.

 

Sa nasabing job fair, naglagay din ang pamahalaan ng one-stop-shop ng mga serbisyo ng pamahalaan upang tulungan ang mga aplikante na makakuha ng kinakailangang dokumento para sa kanilang pag-hahanap ng trabaho. Kasama sa mga ahensiyang ito ang Department of Foreign Affairs (DFA), Social Security System (SSS), National Statistics Office (NSO), Bureau of Internal Revenue (BIR), Pag-Ibig at PhilHealth.

Like
Like Love Haha Wow Sad Angry