QMS orientation ng Document Officers ng DOLE, itinakda

Date Posted: May 15th, 2017 10:39 AM

Itinakda ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang pagsasagawa ng orientation/coaching para sa mga bagong talagang Document Control Officers (DCOs) sa Central Office at mga attached agency ngayong buwan ng Mayo.

 

Ang mga DCO ang siyang mga action officer na responsable sa pagpapatupad ng mga dokumento at Record Control Procedure ng Quality Management System (QMS), na siyang bahagi rin ng itinatadhana ng proseso sa ilalim ng ISO 9001:2008, kung saan nasertipikahan ang DOLE-CO noong 2015.

 

Ang orientation/coaching ay naglalayong linangin ang pag-unawa ng mga DCO sa kanilang responsibilidad na siyang mahalaga para sa tama at epektibong pagkontrol sa mga dokumento at tala ng QMS ng DOLE. Ito ang nagsisilbing ebidensya sa sistema at kaayusan ng mga proseso para sa mas epektibong trabaho.

 

Ang mga bagong talagang DCO mula sa Information and Publication Service at Bureau of Working Conditions ng DOLE ang siyang mga pangunahing kalahok sa nasabing aktibidad at pangangasiwaan ng Central Document Control Officer mula sa Financial and Management Service ng DOLE.

 

END/Tim Laderas with a report from Cris Soriano-Viray/ Paul Ang

 

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo