Bagong minimum na sahod sa New Zealand, pakikinabangan ng OFWs

Date Posted: April 11th, 2017 09:56 AM

Makakatanggap ang mga Filipino sa New Zealand ng pagtaas sa kanilang buwanang sahod matapos ipahayag ng Workplace Relations and Safety Ministry ng nasabing bansa ang pagtataas sa minimum na sahod ng mga manggagawa.

 

Sa ulat kay Labor and Employment Secretary Silvestre H. Bello III, sinabi ni Labor Attaché Rodolfo Sabulao ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Canberra, Australia na ang pagtaas ng sahod na magiging epektibo ngayong buwan ay ipinahayag ni Minister Michael Woodhouse ng New Zealand.

 

Sinabi ni Sabulao na ang karagdagang NZ$.50 ay magtataas sa orasang minimum na sahod mula NZ$15.25 ng NZ$15.75, o P17.51 kada oras.

 

Iniulat din ni Sabulao ang pagtaas mula NZ$12.20 ng NZ$12.60 kada oras sa mga starting-out at training minimum wage rate, na nangangahulagan ng 80 porsiyento ng minimum na sahod.

 

Sa ilalim ng minimum na sahod sa New Zealand, ang starting-out ay para sa mga manggagawa na may edad 16 at 17 taon at hindi nagtrabaho ng sunod-sunod na anim na buwan sa kanilang kasalukuyang employer.

 

Kabilang din ang mga empleyado na may edad 18 at 19 na binayaran ng isa o mahigit pa na social security benefits sa loob ng anim na buwan o mahigit pa, at iyong hindi pa naka-kumpleto ng sunod-sunod na anim na buwan na pagtatrabaho sa kanilang employer simula nang sila ay bayaran ng benepisyo.

 

Sa kabilang banda, ang training minimum wage ay para sa mga empleyado na may edad 20 taon o mahigit pa o iyong may nakasaad sa kasunduan sa trabahao na kailangang may hindi bababang 60 credits kada taon sa industry training programme upang maging kwalipikado sa lugar na kanilang pinagtatrabahuhan.

 

Samantala, ang minimum na sahod, ayon sa ipinalathala, ay para sa lahat ng oras na trinabaho anupaman ang katayuan ng manggagawa sa New Zealand.

 

Nakasaad din na may karapatan din ang manggagawa na nagtrabaho lamang ng dalawang oras sa karagdagang sahod para sa bawat oras na kanyang trinabaho, maliban na lamang kung ang manggagawa at employer ay may mas mataas na sahod sa kanilang kasunduan sa pagtatrabaho.

 

Nagsasagawa ang pamahalaan ng New Zealand ng taunang pag-aaral at pagbabago sa minimum na sahod bilang bahagi ng kanilang hangarin na palakasin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagsuporta sa pag-unlad ng trabaho sa kanilang bansa.

 

Makikita sa datos mula sa POLO-Australia, kung saan kabilang ang NZ sa kanilang nasasakupan, na may 44,385 Filipinos sa New Zealand na ang karamihan ay permanenting migrante, o iyong permanente nang naninirahan.

 

END/Tim Laderas (with a report from CMAM)/GMEArce

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo