11 Pinoy nurses, pasado sa ilalim ng Triple Win Project ng Germany

Date Posted: January 10th, 2017 04:56 PM

Labing isa pang pinay na nurses ang pumasa sa recognition examination sa ilalim ng Triple Win Project bilang mga kuwalipikadong nurses (Gesundheits-und Krankenpflegerin) sa Frankfurt, Germany, ayon kay Labor Secretary Silvestre H. Bello III.

 

Pumasa ang nasabing mga Pinay nurses upang mamasukan sa Germany na dumagdag sa kabuuang 66 na Pilipinang nurses na pumasa sa recognition examination sa ilalim ng Triple Win Project.

 

Kinilala ang 11 Pinay nurses na pumasa sa pagsusulit na sina Homer Aliling; Jane Anonuevo; April Diaz; Lizette Gutiza; Krischelle Fenequito; Elizabeth Salomon; Virtue Solis; Reza Canoy; Jo-Ann Zaparilla, Joey Maniaol, at Georgina Musa.

 

Mula noong Setyembre 2016, mayroon ng 170 Pilipinong nurses ang namamasukan sa ilalim ng Triple Win Project. Habang mayroon ng 300 nurses ang dumadaan sa language training at ang iba ay naghihintay na lamang ng kanilang schedule sa pagsasanay.

 

Ang Triple Win Project ay nagsimula noong Marso 2013 matapos malagdaan ang bilateral agreement sa pagitan ng Germany's Federal Employment Agency (BA) at ng Department of Labor and Employment (DOLE).

 

Sa ilalim ng kasunduan, BA’s International Placement Services (ZAV) ang nangangalap ng mga hospital employers na nais sumuporta sa mga Pilipinong manggagawa, habang ang German Agency for International Cooperation (GIZ) ang naghahanda o nagsasanay ng mga nurses na mamamasukan sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga integration services at pagmo-monitor ng mga kwalipikadong nurses.

 

Ang POEA naman ang siyang naghahanap at nag-dedeploy ng mga kuwalipikadong nurses na may pangunahing layunin na matapos ang kanilang mga kinakailangang dokumento para sa recognition at German language proficiency level.

 

#paulang

    Search Jobs
  • Phil-JobNet Logo